^

Police Metro

4.5 milyong pasahero dadagsa sa mga bus terminals, airports at seaports ngayong Undas

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na inaasahang aabot sa 4.5 milyong pasahero ang dadagsa sa mga bus terminals, airports at seaport  ngayong panahon ng Undas.

Sinabi ni Bautista na nasa 3 milyong pasahero ang dadagsa sa airports at seaports habang nasa 1.5 milyon naman ang dadagsa sa mga bus terminals.

Ayon pa kay Bautista, mas mataas ito ng 20 hanggang 30 porsyento sa karaniwang bilang ng mga pasahero kada araw.

Kasabay nito, pinapa­yuhan ni Bautista ang mga bus operators na iwasan na munang ­ibiyahe ang mga bus patungo sa Bicol region dahil nasa 30 kilometro na ang haba ng pila ng mga sasakyan sa Matnog, Sorsogon.

Sa ngayon aniya, may ilang pantalan ang nasira dahil sa bagyong Kristine pero operational naman ang mga ito. Nasa P100 hanggang P110 milyong halaga ang nasirang pantalan.

vuukle comment

ALL SOULS DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with