Kotse bumaliktad: 1 estudyante patay, 3 sugatan

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 20-anyos na lalaki nang hindi makalabas sa kotse nito na bumaliktad na kung saan ay nasugatan ang tatlong pasahero, naganap kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Tagaytay Road, Brgy. Pasong Langka, Silang, Cavite.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Raven Sortejas, college student, residente ng Brgy. Pasonglangka, Silang habang nasugatan ang tatlong pasahero nito na sina Ronian Palanganan, 19, residente ng Iruhin West, Tagaytay City; Francis Capili, 20; Iruhin Central, Tagaytay City; Mark Angelo Digo, 19, kapwa mga college student ng nasabi ring lugar; at Vincent Songaben, Grade 12, student, 18, ng Iruhin West, Tagaytay City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-2:00 ng madaling araw ay mabilis na bumabagtas ang Honda Civic (UKT-767) na minamaneho ni Sortejas at pagdating sa Sta. Rosa-Tagaytay Road kung saan pakurba ang kalsada ay nag-overtake umano ito sa nauunang sasakyan dahilan upang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho at bumaliktad bago sumadsad sa kongkretong poste sa gilid ng kalsada.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang mga sakay habang ang driver na si Sortejas ay naipit sa kanyang upuan at ilang oras bago natanggal na agad itinakbo sa Ospital ng Tagaytay, subalit hindi na umabot ng buhay.

Show comments