5 todas sa pamamaril sa Maguindanao

MANILA, Philippines — Namatay ang limang katao kabilang ang isang menor de edad sa insidente ng pamamaril sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, nitong Linggo.

Sa ulat kahapon ni Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office ng Bangsa­moro Autonomous Region, unang napatay ang 16-anyos na si Abdulrahim Mangundatu na binaril ni Alrashid Untong, isang security guard sa Brgy. Poblacion.

Sa pagtakas ni Untong ay napatay pa nito sa pamamaril si Nasser Halid, subalit napatay din si Untong ng mga kamag-anak ni Halid.

Sumunod ang insidente ng pamamaril ay nang barilin ni Suharto Antong ang kapitbahay na si Solayman Maulana dahil diumano sa ingay nitong kumanta gamit ang isang sound system.

Nakaganti naman ng putok si Maulana kaya napatay din niya si Antong.

Show comments