^

Police Metro

Lover ng nobya inutas ng dyowa

Cristina Timbang, Ludy Bermudo - Pang-masa

Caught in the act

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 39-anyos na lalaki na umano’y kalaguyo ng nobya ng suspek makaraang tarakan ng ice pick sa dibdib nang maabutan itong magka­tabing natutulog sa loob ng barracks, kamakalawa ng gabi sa Sitio Kaybagsik, Brgy. San Luis, Antipolo City, Rizal.

Kinilala ang nasawi na si alyas Lionell, binata, construction worker at residente ng Sitio Kaybagsik, Brgy. San Luis, ng nasabing lugar.

Ang suspek na tumakas matapos ang krimen ay nakilalang si alyas Joseph, 42, construction worker, ng Sitio Epheta,Brgy., San Isidro, Antipolo City, Rizal.

Batay sa ulat, alas-9:30 ng gabi ay nagtungo ang suspek sa kanyang barracks ng International Swims Inc., at dito ay nagulat nang makitang si Lionell ay kata­bing natutulog sa kama ang nob­yang si Jenny Boyles, nasa hustong gulang.

Hindi napigilan ng suspek ang nasabing tagpo kung kaya’t sa galit nito ay kumuha ito ng ice pick at tinarakan ang natutulog na biktima sa dibdib habang hindi sinaktan ang nobya.

Nang matiyak na napatay ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek na tinutugis ngayon ng pulisya.

vuukle comment

RIZAL

ANTIPOLO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with