HVI tiklo sa higit P37 milyong shabu at cocaine

MANILA, Philippines — Isang high value individual (HVI) ang naaresto sa isinagawang anti-drug operation sa Western Bicutan, Taguig City, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Bernard Yang ang suspek na si alyas “Jhovel”, 34, ng Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Sa ulat, alas-9:45 ng gabi nang madakip sa buy-bust operation ang suspek ng mga otoridad at nasamsam ang tinatayang 4.5 kilo ng shabu na may street value na P30,600,000.00 at 6.9 gramo ng cocaine na may halagang P36,570.00

Kakasuhan ang suspek sa paglabag sa Section 5 at Section 11, ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Show comments