^

Police Metro

P3 milyong ayuda ni Kuya Will at Manila Teachers sa Bicol typhoon victims

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkahupa ng bagyong Kristine sa Bicol noong Sabado ay kaagad na nagtungo sa Naga City si TV host at ngayo’y sena­torial candidate Willie Revillame kasama ang Manila Teachers Party­list para magpaabot ng tulong sa mga biktima ng bagyo doon. Personal na inabot ni Revillame ang P3 milyong tseke kay Angat Buhay Foundation Chairman at dating Vice President Leni Robredo sa kanyang tanggapan.

Ayon sa TV host, “kasagsagan ng bagyo sa Bicol nang magdesisyon kami ng Manila Teachers Partylist na mag-ambag kami para sa mga kababayan natin sa Bico­landia.”

“Taga-Naga City po ang aking ina kaya malapit po sa puso ko ang Bicol,” dagdag pa ni Revillame na mas kilala sa pangalang “Kuya Will”.

Nakilala si Kuya Will dahil sa pagtulong nito sa mga mahihirap sa kanyang TV show. Lubos naman ang pasasalamat ni dating VP Leni sa TV host at sa Manila Tea­chers Partylist sa kanilang donasyon.

“From the bottom of our hearts, we thank all those who answered our call for help. Maraming maraming salamat po,” ani Mrs. Robredo.

Nangako naman si Revillame na tutulong sa lahat ng mga biktima ng kakamidad saan man sa Pilipinas.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with