Bagyong Leon, nagbabantang pumasok sa PAR

Satelite Image

MANILA, Philippines — Nagbabantang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Kong-Rey, nitong Sabado ng gabi o ngayong Linggo ng umaga.

Oras na pumasok ito sa PAR, ang bagyo ay tatawaging Bagyong Leon. Ito na ang ika-12 bagyo na papasok sa bansa.

Kahapon, alas-10 ng umaga si TS Kong-Rey ay namataan ng PAGASA sa layong 1,630 kilometro ng silangan ng Central Luzon. Taglay ni Kong-Rey ang lakas ng hangin na may 65 kilometro kada oras at may pagbugso ng hangin na aabot ng 80 kilometro bawat oras.

Ngayong weekend, si “Kong-Rey” o “Leon” ay kikilos pakanluran at unti-unting lalakas bilang isang severe tropical storm ng Linggo at posibleng nasa typhoon ca­tegory sa Lunes.

Inaasahang mananatili itong malayo mula sa Philippine landmass pero magiging mabagal  ang  forecast cone  sa susunod na limang araw.

Ang dalang ulan ni Kong-Rey ay makakaapekto sa Extreme Northern Luzon depende sa kanyang trajectory sa PAR.

Inaasahan din na ito ay magpapalakas sa southwest monsoon na magdudulot ng mga pag ulan sa western part ng Southern Luzon, Visayas and Mindanao sa susunod na mga araw.

Show comments