^

Police Metro

Pangulong Marcos naghatid ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Bicol region

Jorge Hallare, Gemma Garcia - Pang-masa
Pangulong Marcos naghatid ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Bicol region
Kahon-kahong relief goods ang dala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan nang bumisita sa Bicol Region kabilang ang Camarines Sur at personal na nagbigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Kristine kahapon.
Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Personal na binisita ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at hinatiran ng tulong ang mga Bicolanong sinalanta ng bagyong Kristine kahapon ng umaga.

Nakita mismo ng Pangulo ang delubyong inabot lalo na ng mga taga-Camarines Sur na halos karamihan ng bayan ay lumubog sa baha.

Mula sa itaas ng sinasakyang helicopter ay nakita nito ang lawak ng danyos lalo na sa agrikultura at imprastruktura.

Kasama sina Defense Sec. Gilbert “Gibo”Teodoro at Interior Sec. Jonvic Remulla nagkaroon ng briefing si Pangulong Marcos kina Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte; Cong. LRay Villafuerte; at Cong. Migz Villafuerte sa Brgy. Causip, sa bayan ng Bula na umabot sa 40-libo katao ang naapektuhan ng bagyo.

Dala ng Pangulo ang pinansyal na ayuda na galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Matapos ito, nagpunta ang Pangulo sa Naga City at nagkaroon ng situation briefing kasama si Naga City Mayor Nelson Legacion, mga lokal na opisyal ng iba pang mga apektadong bayan na karamhan ay umabot sa 12-talampakan ang baha, lalawigan at iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa Kabikolan.

Sa pangunguna ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, namahagi ng family food packs at hygiene kits na nagkakaha­laga ng P56.5 milyon sa mga residente. Maliban pa ito sa ipinamahaging P10,000 sa bawat benepisyaryong pamilyang evacuee mula sa AICS ng gobyerno o assistance to individual in crisis situation program. Nasa P30-milyong financial assistance mula sa Office of the President ang ipinagkaloob sa Naga City.

Nagpasalamat din si Mayor Anthony Reyes ng bayan ng Milaor sa Pa­ngulo sa ipinadalang 1,000 food packs at rubber boats sa kanyang ba­yan nina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Cong. Elizaldy Co.

Ang Philippine Air Force (PAF) ang nag-deploy ng Bell 412, ang presidential helicopter, para sa delivery ng mga relief supplies sa mga komunidad na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol Region. 

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with