^

Police Metro

ABC prexy, 2 pa todas sa ambush!

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) sa San Nicolas, Ilocos Norte at dalawa pang kasama nito matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin kahapon ng mada­ling araw sa San Guillermo ng nasabing lalawigan.

Dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina ABC President at Barangay 6, San Juan Bautista Chairman Mark Adrian Paguirigan Barba, 39; Raffy Ulep, 39 at driver na si Lord Wayne Gian Menor, 42.

Sa report ng San Nicolas Police Station, nangyari ang pamamaril bandang alas-2:45 ng mada­ling araw sa Barangay 22 ng San Guillermo,  San Nicolas, Ilocos Norte.

Lumilitaw na sakay ang mga biktima ng Toyota Innova na may plakang NDA-8116 na minamaneho ni Menor nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek.

Dahi dito, nawalan ng kontrol si Menor sa mani­bela hanggang sa bumang­ga sa isang Toyota Fortuner na nakapara sa highway.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong biktima na isinugod sa ospital subalit kapwa binawian ng buhay.

Nakakuha ang­ Scene of the Crime Operatives­ (SOCO) ng 40 basyo ang bala sa crime scene.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with