^

Police Metro

Dahil sa pananalasa ng bagyo..1-buwang moratorium sa pagbabayad ng housing loan, ipatutupad - NHA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Dahil sa pananalasa ng bagyo..1-buwang moratorium sa pagbabayad ng housing loan, ipatutupad - NHA
Residents of Talisay, Batangas try to salvage their belongings on Saturday, following a landslide caused by Severe Tropical Storm #KristinePH.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nagpatupad ang National Housing Authority (NHA) ng isang buwang moratorium sa pagbabayad ng housing loan para sa mga benepisyaryo ng Pabahay Program ng ahensiya dulot ng pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.

Ayon kay NHA Ge­neral Manager Joeben Tai, ang moratorium ay hindi na kailangan ng application dahil  awtomatikong ipatutupad para sa mga benepisyaryo sa buong bansa mula Nobyembre 1-30, 2024 at magsisimula muli ang pagbabayad ng amortization at lease  sa Disyembre 1, 2024.

Nilinaw ni GM Tai na  walang ipapataw na delinquency o karagdagang interes sa panahon ng moratorium hanggang Nobyembre 30, 2024.

Aniya, ang anumang penalties at interes na naipon bago ang Nobyembre 1, 2024, ay muling magsisi­mula sa Disyembre 1, 2024.

 “Ang layunin ng patakarang ito ay magbibigay ng ginhawa sa mga indibidwal at pamilyang naapektuhan ng matinding pinsala dulot ng bagyo.” Sabi ni GM Tai.

Noong nagdaang buwan ng Hulyo ,  nagpatupad din ang NHA ng moratorium policy para sa mga benepisyaryong naapektuhan ng Typhoon Carina sa National Capital Region (NCR), sa mga Rehiyon III at IV.

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with