MANILA, Philippines — Pinalayas na ng Bureau of Immigration (BI) sa bansa ang 35 Indonesians na dating inaresto dahil sa pagtatrabaho sa isang illegal online gaming hub sa Lapu-lapu City, Cebu at sangkot umano sa scamming operations.
Iniulat ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga deportees, ay binubuo ng siyam na babae at 26 na lalaki, at karamihan ay nasa 20s at 30s lamang edad.
Sila ay inaresto noong Agosto 31 at matapos isailalim sa deportation proceedings ay kaagad na pinalabas ng bansa lulan ng outbound flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Oktubre 22.
Tiniyak ni Viado na ang mga naturang ipina-deport na dayuhan ay isasama nila sa blacklist ng BI at hindi na papayagan pang makabalik ng bansa.