^

Police Metro

Electrician nakuryente sa mall, patay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang electrician matapos na makuryente habang abala sa paglalagay ng electrical cable sa loob ng pinagtatrabahuhang mall sa Rodriguez, Rizal, nabatid kahapon.

Ang biktimang nasawi ay kinilalang si alyas ‘Kenneth,’ 27, ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, sa Rodriguez.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, alas-5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng isang kilalang mall sa Brgy. Manggahan, Rodriguez.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Aling Fe na kasalukuyan umanong naglalagay ng electrical cables sa loob ng mall ang anak nang mapansin ng kasamahan nitong si Michael na nangingisay na ito at nakuryente na pala habang nakatuntong sa hagdan.

Tinangka umano ni Michael na hilahin ang biktima ngunit maging siya ay nakuryente rin kaya’t sinipa na lamang ang hagdan upang mabuwal ito at mailayo ang biktima mula sa kuryente at saka isinugod sa pagamutan ngunit dead on arrival na ito.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with