^

Police Metro

P15 milyon quota para sa caroling ibinunyag ng dating miyembro ng KOJC

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang dating mi­yembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na humarap kahapon sa senado na kailangan niyang gamitin ang mga bata sa pagkakaroling para lang maabot ang P15 milyon quota para sa Pasko.

Sa kanyang testimoniya sa pagdinig sa Senate committee on women, sinabi ni Teresita Valdehueza na ang pagkakaroling ang isa sa mga pinagkukunan ng pondo ng KOJC at lahat ng mi­yembro nito ay kailangang gawin ito.

“Naghirap ang maraming workers at members sa pag-caroling at pag-solicit sa bawat tao sa lahat ng dako dito sa ating bansa,” sabi ni Valdehueza.

“May namatay, may naaksidente, may nakulong, may mga na-rape pa na hindi na nai-report dahil baka hindi paniwalaan at baka makapag-fasting pa dahil may kasalanan na itinago kaya napahintulutang nangyari. Lahat may quota, ‘di ba. Napakasakit po sa damdamin ko dahil ako po ang namuno ng fund raisings,” dagdag pa niya.

“Meron din po akong quota na P10 to P15 million to raise in the month of December alone. I organized the nationwide caroling to meet my quota. We recruited and trafficked our young people from Mindanao and Visayas to carol in the provinces of Luzon and in the National Capital Region cities,” sambit pa niya.

Para maabot ang P15 milyong quota, kailangan umanong lumiban sa klase ng mga estudyante, Nobyembre pa lamang, para lang maibigay ang pangangailangan ng simbahan.

Pagkatapos ng Christmas Season, sinabi ni Valdehueza na kailangan namang magtinda ng mga mi­yembro ng kakakanin.

Sa mga buwan ng Pebrero hanggang Ok­tubre, ang ibang manggagawa naman ng KOJC ay kailangang mag-solicit sa pamamagitan ng iba’t ibang asosas­yon nito sa buong bansa, tulad ng Pag-asa ng Buhay, Children’s Joy Foundation, Tulong sa may Kapansa­nan, Handog ng Pagmamahal, Pagdamay sa Dukha at Sheaver’s for Christ.

KINGDOM OF JESUS CHRIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with