Single mom ni-rape/slay; anak tinodas din

MANILA, Philippines — Kapwa natagpuang patay ang mag-ina nang ata­duhin nang saksak ng isang tricycle driver sa Brgy. Pangao, Lipa City, Batangas, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang mag-inang nasawi na sina Rhona Lalusin, 41, ­single parent, customer service supervisor ng kilalang mall sa Lipa at anak nitong 17-anyos na si Kurt Ace.

Si Rhona ay nagtamo ng 19 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang ang anak nito na si Kurt ay may saksak sa leeg at mukha.

Ayon kay Lipa City police chief Lt. Col. Rix Villareal na alas-4:26 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng mag-ina na kung saan ay hinalay si Rhona dahil wala itong suot na pang-ibaba.

Makalipas ang ilang oras ay naaresto ang suspek na kinilalang si Vince Mojares Umali, tricycle driver sa terminal sa Barangay Marauoy, Lipa City.

Nabatid na ang suspek ay may mga nakabinbing reklamo sa barangay at nahuhumaling umano kay Rhona na isang single parent.

Show comments