^

Police Metro

Parak na iniuugnay sa pagpatay kay Mayor Halili, kulong sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis na iniuugnay sa pagpaslang kay dating Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili noong 2018 ang ikinulong sa Kamara de Representantes.

Ito ay matapos na ipa-cite in contempt ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano si Police Capt. Kenneth Paul Albotra dahil sa pagsisinunga­ling umano na isang paglabag sa Section 11, Paragraph C ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.

Inaprubahan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chairperson ng quad committee ng Kamara de Representantes ang pagkulong kay Albotra hanggang sa pagtibayin ng plenaryo ang ulat ng komite kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon nito.

Tinanong ni ­Paduano si Albotra kaugnay ng dalawang pulis na kaniyang isinama nang maitalaga sa Calamba, Laguna, isa sa kanila ay napatay at isa ang naalis noong 2018.

Sa nakaraang pagdinig ng quad committee noong Oktubre 11, ikinuwento ni dating Police Col. Royina Garma na ipinagmalaki sa kaniya ni Albotra na ang kanyang grupo ang tumira kay Halili sa isang flag raising ceremony noong Hulyo 2018 na itinanggi naman ni Albotra.

Si Halili, na napatay ng isang sniper, ay kasama umano sa “narco-list” ng noon ay pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with