Delivery rider, namatay sa ‘sarap’ sa motel

MANILA, Philippines — Naninigas na at wala nang buhay ang isang delivery rider nang mapansin ng kanyang kasamang babae matapos silang mag-checked-in at makatulog sa isang motel sa Sta. Mesa, Manila, kamakalawa ng mada­ling araw.

Ang biktima ay ­kinilala sa alyas ‘Ben,’ 37, residente ng Krus na Ligas, Quezon City.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD) - Homicide Section, alas-4:30 ng madaling araw nang madiskubreng bangkay na ang biktima sa loob ng isang motel sa Sta. Mesa.

Nauna rito, dakong alas-10:00 ng gabi ng Linggo ay nag-checked-in umano sa motel ang biktima, kasama si alyas ‘Karen,’ at natulog doon.

Laking gulat na lang umano ni Karen nang magi­sing at mapansing patay na at matigas na ang katawan ng biktima na hubo’t hubad.

Hinala ng pulisya na inatake ang biktima matapos na sila ay nagpasarap ng kasamang babae.

Kaagad namang hu­mingi ng tulong si Karen sa mga tauhan ng motel, na siya namang nag-report ng insidente sa pulisya.

Show comments