3 estudyante dedo, 2 sugatan sa tama ng kidlat

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong estudyante habang dalawa iba pa ang sugatan matapos tamaan ng kidlat sa bundok sa Bayog, Zamboanga del Sur.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Bayog, pumunta umano sa bundok ang limang biktima na pawang magpipinsan para kumuha ng saging na maaari nilang ibenta.

Gagamitin sana nila ang perang kikitain sa mga saging na makukuha para pambayad sa mga bayarin sa kanilang intramurals sa paaralan.

Tatlo sa lima ang idineklarang dead on arrival sa ospital. Ang isa ay 13 taong gulang habang ang dalawa ay 16 taong gulang.

Samantala, ang dalawa pa, 15 taong gulang at 20 taong gulang, ay inilipat sa Zamboanga del Sur Medical Center sa Pagadian City, kung saan ang isa ay kinailangang sumailalim sa operasyon dahil sa matinding paso.

Show comments