Paslit nahulog sa kaldero ng kumukulong tubig, todas

MANILA, Philippines — Isang 2-anyos na batang lalaki ang nasawi nang aksidenteng mahulog sa kaldero ng kumukulong tubig sa San Fabian, Pangasinan.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Jay-Jay Navarro, ng Barangay Nibaliw, San Fabian, Pangasinan.

Batay sa report nangyari ang insidente noong Huwebes habang naglalaro ang biktima kasama ang kanyang mga kalaro.

Ayon sa lola ng biktima, nagpakulo sila ng tubig na may mga dahon sa kaldero para ipangsoob sa kaanak na may sakit.

Inilagay sa sahig ang kaldero na may kumukulong tubig na kung saan ay doon naman naglalaro ang biktima kasama pa ang isa pang bata.

Sa paglalaro ng bata, aksidente itong naswak sa kaldero.

Show comments