Kelot tiklo sa P6.8 milyong shabu sa loob ng motel

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang lalaki sa isang buy-bust operation sa loob ng isang motel sa Caloocan City kahapon ng tanghali.

Batay sa report na tinanggap ni Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Director PBGen Eleazar P. Matta, ala-1:21 ng tanghali nang nadakip si Ross Mark Babon, 30, sa Madonna Lodge Brgy. 136 Bagong Barrio Caloocan City.

Ayon kay Matta, itinuturing na High-Value Individual ang suspek mula Cruz St. Tangos, Navotas City.

Nakuha mula sa suspek na ang isang heat sealed transparent plastic bag na naglalaman ng white crystalline substances o suspected shabu na tumitimbang ng 1 kilo at may halagang P6,800,000.00 at iba pang ebidensiya.

Nasa kustodiya na ng PNPDEG, SOU NCR sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang suspek.

Show comments