Chinese kinidnap sa Angat River

Ayon sa ulat kahapon ng pulisya, nakita umano ng mga saksi ang biktima na kasama ang iba pang Chinese nationals nang dukutin ito ng apat na hindi pa nakikilalang kalalakihan at isinakay sa sasakyan.
Image by M P from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang Chinese national ang kinidnap habang nangingisda sa Angat River sa Bustos, Bulacan nitong Linggo ng umaga,

Ayon sa ulat kahapon ng pulisya, nakita umano ng mga saksi ang biktima na kasama ang iba pang Chinese nationals nang dukutin ito ng apat na hindi pa nakikilalang kalalakihan at isinakay sa sasakyan.

Tumakas ang mga dumukot patungo sa bypass road sa Barangay Bonga Menor.

Iniulat ng kanyang live-in partner ang insidente sa Bustos Municipal Police Station at sinabing nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang pinsan na humihingi  ang mga dumukot ng $300,000 ransom money.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek at masagip ang biktima.

Show comments