^

Police Metro

2 tinedyer nalunod sa ilog

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa patay na nang maiahon sa ilog ang magkaklase matapos na sila ay malunod sa ilog, kama­kalawa sa  Brgy. Laurel, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Ron Gabriel Completo Mercado, 15-anyos ng Dulce Pueblo Solena Subd., Brgy Bubuyan, Calamba City, Laguna at Jomat Roslin Masapol, 14- anyos kapwa, grade 10 student, ng Southville 6, Brgy. Kay-Anlog, Calamba City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-6:00 ng hapon ay nagkayayaang maligo ang mga biktima kasama ang iba pang mga kaklase sa nasabing ilog nang mapadako sa malalim na bahagi ng ilog sina Mercado at Masapol.

Ayon sa mga nakasaksi, tila hinigop pailalim ang dalawang biktima na tinangka pa umanoong ilig­tas subalit tuluyan nang lumubog ang mga ito.

Makalipas ang mga ilang minutong rescue operation, narekober ang katawan ng mga biktima na pawang mga patay na.

vuukle comment

DROWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with