Trader itinumba ng tandem

Ang biktima na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Rico Obrador, negosyante ng mga scrap products, ay namatay habang dinadala sa Batangas Provincial Hospital.

MANILA, Philippines — Isang scraps trader ang binaril at napatay ng riding-in-tandem suspect malapit sa bahay ng kanyang kapatid sa Barangay Dayap Itaas, Laurel, Batangas, noong Biyernes ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Rico Obrador, negosyante ng mga scrap products, ay namatay habang dinadala sa Batangas Provincial Hospital.

Ayon kay Major Francisco Lucea IV, hepe ng Laurel police na lahat ng anggulo ay iniimbestigahan kabilang ang isang mistaken identity dahil ang napatay na biktima ay kamukha ng kanyang kapatid.

Sinabi ng mga kamag-anak sa pulisya na si Obrador ay walang kaaway at walang anumang record sa komunidad at barangay. Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na may ginagawa ang biktima sa bahay ng kanyang kapatid nang dumating ang dalawang armado na sakay ng isang motorsiklo na armado ng hindi kilalang baril at pinagbabaril ng tatlong beses nang malapitan.

Ang mga gunmen ay nakasuot ng itim na jacket at black maong pants at itim na sapatos at back ri­der na nakasuot ng parehong paglalarawan na humigit-kumulang 5’9 ang taas.

Show comments