^

Police Metro

Tent ng kandidato sa Undas, papayagan – MMDA

Ludy Bermudo - Pang-masa
Tent ng kandidato sa Undas, papayagan � MMDA
Maagang dinalaw ng kanilang pamilya ang mga yu- maong mahal sa buhay sa kanilang himlayan sa Me- morial Wall ng Tugatog Public Cemetery sa Malabon City sa ginanap na reopening at blessing ng nasabing sementeryo kahapon.
Noel B. Pabalate

Pero bawal mangampanya

MANILA, Philippines — Inihayag ng Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) na kanilang papayagan ang pagtatayo o paglalagay ng tent ng mga pulitiko sa mga sementeryo sa Undas para mamigay ng pagkain at inumin.

Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes, na iwasan lamang na mangampanya ang mga political aspirant at huwag samantalahin ang pagkakataon na para sa pagbibigay galang sa mga namayapang mahal sa buhay.

Ang apela ay ginawa ni Artes, kasabay ng pulong-balitaan sa mga kinatawan ng 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila at ilang concerned go­vernment agencies sa pagsasapinal ng “Oplan Undas 2024” nitong Oktubre 18.

“Ako naman po ay naniniwala na may sense of decency pa rin ang mga pulitiko na hindi nila sasamantalahin ang pagkakataong ito..,”ani Artes.

Dapat din aniyang, sumunod sila sa itinakdang regulasyon ng local govern­ment units (LGUs) para sa kaayusan at kapayapaaan sa mga sementeryo.

Una nang nagpaalala ang Manila City government na bawal ang anumang pagtitipon ng pri­bado o grupong pulitkal sa loob ng mga sementeryo sa Maynila sa Undas.

Kabilang sa priority­ ­areas ang limang public cemeteries na kinabibilangan ng Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Bagbag Public­ Cemetery in Quezon City, Loyola Memorial Park sa Marikina, at San Juan Public Cemetery na tututukan ng mga awtoridad at MMDA .

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with