^

Police Metro

Duterte: Walang ‘reward system’ sa drug war

Gemma Garcia - Pang-masa
Duterte: Walang �reward system� sa drug war
This Facebook post from Sept. 21, 2024 shows former President Rodrigo Duterte during the national assembly of the Partido Demokratiko Pilipino in Davao City.
Rodrigo Duterte via Facebook

‘Tanging pagkain at pagbati lang binigay ko’

MANILA, Philippines — Nagsalita na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at mariing itinanggi na nagkaroon ng “reward system” sa kanyang administrasyon sa pagpapatupad ng “war on drugs” sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Duterte, walang reward system at ta­nging pagkain ang pabuya at pagbati lang ang ibi­nibigay niya sa mga pulis na matagumpay na natapos ng kanilang misyon.

Giit pa ng dating Pangulo, hindi rin niya kailanman inutusan ang kapulisan na pumatay ng sinuman.

Matatandaan na ibinunyag sa pagdinig ng House Quad Committee ng malapit kay Duterte na si dating retired police Col. Royiba Garma na mayroong cash reward na binabayaran sa bawat pagpatay sa drug war ng administrasyong Duterte na mula P20,000 hanggang P1-milyon.

Base sa rekord ng PNP, umabot sa mahigit 6,000 ang drug personalities ang napatay sa war on drugs ng Duterte administration.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with