Tony Yang sinampahan ng 16 kaso ng NBI
MANILA, Philippines — Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng 16 kaso ng falsification of public documents, perjury at paglabag sa Anti-alias Law, si Yang Jian Xin o kilala bilang Antonio Lim y Maestrado, Antonio M. Lim, Tony Lim at Tony Yang na kapatid ni dating presidential economic adviser Michael Yang.
Ayon sa NBI, ang kaso ay naisampa makaraang makumpirma na gumagamit si Yang ng ibat ibang aliases upang makapagtayo at makapag rehistro ng ibat ibang kompanya sa Securities & Exchange Commission sa Cagayan de Oro City.
“Respondent concealed his identity as a Chinese national, obtained a Filipino birth certificate, and used his Filipino name/s as incorporator of these corporations, thus committing falsification in the corporations’ Articles of Incorporation and By-Laws. He was also charged for committing Perjury and illegal use of alias,”nakasaad sa pahayag ng NBI.
Ang kaso ay naisampa ng NBI sa tanggapan ng City Prosecutor sa Cagayan de Oro City.
Sinasabing ang 16 na reklamo ay sasailalim sa preliminary investigation at inaasahang mas maraming reklamo pa ang maisasampa laban dito sa susunod na mga araw.
Si Yang ay naaresto sa NAIA Terminal 3 noong nagdaang Setyembre 19 dahil sa reklamong human trafficking at umano’y pagkakasangkot sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
- Latest