Clan war sumiklab sa Maguindanao: 7 todas

MANILA, Philippines — Patay ang pito katao nang sumiklab ang madugong “clan war” o “rido” sa Brgy. Toka Maror sa Bongo Island, Parang, Maguindanao, nitong Biyernes ng umaga.

Kinumpirma nina Parang Mayor Cahar Ibay at Col. Christopher Panapan, pinuno ng investigation division ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM), na pito ang kumpirmadong patay sa sagupaan mula sa naglalabang mga pamilyang Usman at Aragasi, sa Bongo Island.

Ayon sa PRO-BARMM at ng Task Force Central ng Philippine Army, alas-10 ng umaga nang lumusob ang mga armadong MILF na lulan ng mga bangka sa Bongo Island at pinuntirya ang kalabang pamilya sanhi ng umaatikabong engkuwentro. Ang MILF fighters ay pinamumunuan nina Commanders Macmod at Bayam Usman; pawang ng Kalamansig, Sultan Kudarat habang ang mga kalaban nila sa isla ay pinamumunuan ng isang Tamano Aragasi.

Mabilis na nagresponde ang pinagsanib na ele­mento ng Parang Municipal Police Station at ang 2nd Marine Battalion Landing Team (MBLT) 2 sa Bongo Island upang protektahan ang mga sibilyan pero pinaputukan din sila ng mga armadong grupo na lulan ng motorized pump boats.

Dito’y nagkaroon din ng putukan sa pagitan ng security forces at ng mga armadong kalalakihan.

Show comments