^

Police Metro

buera mayor pinaniniwalaang pinatay sa loob ng selda para sa reward - Acop

Joy Cantos - Pang-masa
buera mayor pinaniniwalaang pinatay sa loob ng selda para sa reward - Acop
Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte
PNP PIO/Released, File photo

AlMANILA, Philippines — Dahil umano sa malaking reward na ibi­nigay ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga pumapatay ng drug suspect ay itinumba ng mga pulis si Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte sa loob ng detention cell ng Baybay City Jail noong 2016.

Ito ang inihayag ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop, isang abogado at Vice Chairman ng apat na komite ng Kamara na bumubuo sa Quad Committee na nag-iimbestiga sa illegal drug trade, extra judicial killings (EJK), mga paglabag sa karapatang pantao na iniuugnay sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa at iba pang mga isyu.

Isiniwalat ni Acop ang kanyang opinyon sa pagtatanong nito kay dating Police Col. Marvin Marcos, ang hepe ng Region 8 Criminal Investigation and Detention Group (CIDG), at sa mga kasama nito sa pagdinig ng Quad Committee kamakailan.

 Si Espinosa ay pinatay habang nakakulong sa loob ng sub-provincial jail ng Baybay City noong Nobyembre 2016, na pina­lalabas na isang engkwentro habang isinisilbi ang isang search warrant na ikinatwiran ng CIDG 8 na nakatanggap sila ng report na armado ito sa loob ng selda gayong ipinagbabawal ito sa mga piitan.

Ang alkalde, na isa sa maraming lokal na opisyal na iniuugnay ni Duterte sa ilegal na droga, ay una ng nakulong nang mahulihan ng ilegal na droga.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with