Pulis, patay sa salpok ng dump truck

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang aksidente dakong alas-2:35 ng hapon sa national highway, Brgy. Glamang, Polomolok, South Cotabato.

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis nang sumalpok ang minamanehong kotse sa kasalubong na dump truck kamakalawa ng hapon sa Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Fahad Asmi Masula, 25, taga-Brgy. Cacub, Koronadal City at naka-assign sa RMFB 12 ng PNP.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang aksidente dakong alas-2:35 ng hapon sa national highway, Brgy. Glamang, Polomolok, South Cotabato.

Nabatid na sakay ng Toyota Vios na may plakang NAZ 9609 ang biktima galing Koronadal City at papuntang Gene­ral Santos City nang ito umano ay mag-counter flow kaya’t nasalpok ng kasalubong na berdeng dump truck (NHB4389) na minamaneho ni Ronnie Anngot Torino, 40, ng Purok Paglaum, Barangay Upper Klinan ng nasabing bayan at nasa kustodiya na ng pulisya.

Napag-alaman na magdiriwang sana ng kaniyang kaarawan ang pulis ngayong araw Oktubre 18.

Show comments