Abogado ni Quiboloy, 11 pa kinasuhan sa DOJ

"Kingdom of Jesus founder Apollo Quiboloy filed his certificate of candidacy for a Senate seat through his lawyer Mark Tolentino at the Manila Hotel tent on Oct. 8, 2024.

MANILA, Philippines — Kasong sedition at inciting to sedition ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isinampa sa Department of Justice (DOJ) laban sa abogado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na si Atty. Israe­lito Torreon at 11 iba pa.

Sa pangunguna ni PNP-CIDG chief PBGen. Nicolas Torre III, kinasuhan sina Torreon, Eleanor Cardona, Carlo Catiil, Jeffrey Celis, dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Lorraine Badoy-Partosa, Kathleen Kaye Laurente, Trinidad Arafol, Lord Byron Cristobal, Joey Espina Sun, Esteban Lava, Jose Lim III at lawyer Marie Dinah Tolentino-Fuentes.

Ang kaso ay bunsod nang pagharang at tangkang pagpigil ng mga miyembro ng KOJC sa mga pulis na arestuhin si Quiboloy noong Agosto kung saan may mga pulis na nasaktan.

Batay sa reklamo, naging basehan rin ng PNP-CIDG ang pagsasagawa ng kilos-protesta ng mga kasapi ng KOJC sa lansangan taliwas sa permiso ng lokal na pamahalaan na prayer rally lamang sa loob ng compound ng grupo.

Dagdag ni Torre na maghahain lamang ng warrant of arrest ang mga pulis laban sa limang pugante, subalit gumawa ng paraan ang mga res­pondents na pigilan ang kanilang trabaho.

Show comments