^

Police Metro

Chinese kinidnap ng 4 kababayan, pinagbabaril

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa
Chinese kinidnap ng 4 kababayan, pinagbabaril
Ayon sa report, dinukot ng apat na armadong kalalakihan ang biktimang si alyas Ling sa isang lugar sa Pasay City at saka dinala patungo sa direksyon ng Laguna.
STAR / File

MANILA, Philippines — Malubhang nasugatan ang isang lalaking Chinese national matapos na kidnapin sa Metro Manila ng apat na abductor na sinasabing mga kapwa niya Chinese at pagkatapos ay dinala at inabandona sa Laguna at pinagbabaril.

Ayon sa report, dinukot ng apat na armadong kalalakihan ang biktimang si alyas Ling sa isang lugar sa Pasay City at saka dinala patungo sa direksyon ng Laguna.

Dakong alas-4:00 ng hapon noong Martes ng abandonahin ito ng mga salarin sa Diezmo Road, Brgy. Diezmo, Cabuyao City. Natuklasan na binaril ito ng mga kidnaper at saka iniwan sa lugar.

Tinangay ng mga salarin ang kulay itim na kotseng BMW X5 ng biktima na may plate number 6149 at saka tumakas patungo sa northbound direction ng Barangay Pulo sa Cabuyao City.

Itinakbo naman sa ospital ang biktima at nilalapatan pa ng lunas ng mga doktor.

 Nire-review pa ng mga otoridad ang mga kuha ng CCTV sa lugar para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with