Duterte ipapatawag ng Senado sa imbestigasyon sa anti-drug war

Former president Rodrigo Duterte
The Philippine STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nakatakdang ipa­tawag ng Senado si ­dating Pangulo Rodrigo Duterte sa pagdinig sa Senado sa oras na simulan ang imbestigasyon sa anti-drug war sa pana­hon ng kanyang administrasyon, ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

“Pwede… ipapatawag natin at kung sinu-sino pa pwedeng maging resource person,” pahayag ni Dela Rosa, sa phone-patch interview ng mga reporter.

Ginawa ang pahayag matapos ihayag ni Senador Christopher “Bong” Go na maghahain siya ng resolusyon para magsagawa ang Senado ng parallel investigation sa giyera kontra droga ng nagdaang administrasyon.

Sabi ni Dela Rosa, hindi pa niya naabisuhan ang dating Pangulo tungkol sa planong imbestigasyon ng Senado subalit tiyak umanong papayag ito kapag sila ang nag-imbita.

Sakaling maghain ng resolusyon si Go, tiyak na babagsak ito sa Se­nate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Dela Rosa.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na magi­ging patas ang kanyang komite sa oras na simulan ang imbestigasyon sa anti drug war ng Duterte administrasyon.

Show comments