Plano ng PNP na reinvestigation sa high profile killings suportado ng Malacañang

This photo taken on June 27, 2019, shows policemen at the crime scene where the body of a barangay (inner city neighbourhood) health worker and former drug surrenderee Michael Oescayno, lies on the ground after unidentified gunmen.
AFP/Noel Celi

MANILA, Philippines — Sinusuportahan ng Malacañang ang plano ng Philippine National Police (PNP) na muling buksan ang imbestigas­yon ng mga high profile na kaso ng pagpatay kaugnay sa ipinatupad na war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na isinaalang-alang ng Marcos administration ang pinakamataas na antas ng pagpapahalaga sa patas na pagbibigay ng hustisya at pagsunod sa batas.

Wala aniyang pagtutol ang Palasyo sa plano ng PNP dahil dapat malaman ang katotohanan sa mga naihayag sa imbestigas­yon ng Quad Committee ng Kamara.

Kabilang sa mga nabanggit sa quad Committee hearing ay ang pagpatay sa tatlong Chinese drug lords sa loob ng kulungan sa Davao, ang pagpatay kay Phi­lippine Cha­rity Sweepstakes Office board secretary Wesley Barayuga at iba pa.

Bukod pa rito ang kontrobersiyal na pagkamatay ng ilang mga alkalde na inugnay sa illegal drug trade noong kasagsagan ng drug war ng Duterte administration.

Show comments