Angat Buhay Foundation, binigyan ng akreditasyon ng DSWD; Cong. Tulfo, pinasalamatan ni dating VP Leni

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si dating Vice President Leni Robredo kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo dahil sa maagap na pag-accredit sa Angat Buhay Foundation, noong siya pa ang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Thank you for the speedy approval of the accreditation of our foundation before kahit na we were considered the opposition,” pahayag pa ni Gng. Robredo kay Cong. Tulfo, nang magkita sila sa isang restaurant sa Naga City.

Tugon naman ni Tulfo na kasalukuyang House Deputy Majority leader, ginawa lamang niya ang kanyang trabaho. “Naku, ma’am, mahigpit na bilin ni Pang. Marcos, walang titingnang kulay ang DSWD sa pagtulong hanggang ngayon,” aniya pa.

“Instruction kasi ni PBBM sa lahat ng kalihim niya na tulungan ang sinumang lalapit sa gob­yerno kahit nasa oposisyon pa ito,” dagdag pa ng mambabatas. Sa nasabing konbersasyon, ina­min din ni Gng. Robredo kay Cong. Tulfo na wala na itong interes tumakbo sa national position sa darating na halalan kundi bilang mayor na lang ng Naga City.

Show comments