Lady trader utas sa paniningil ng utang

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 42-anyos na ginang nang saksakin sa dibdib ng babae na sini­singil nito ng utang, naganap kamakalawa ng hapon sa Sitio Stella Mariz, Barangay Bagong Bayan, Mauban, Quezon.

Naiwan pang nakatusok ang patalim sa dibdib ng biktimang si Michelle Pajarillo, 42, may-asawa bago ito isinugod sa ospital subalit nalagutan din ng hininga.

 Tugis na ngayon ng pulisya ang suspek na si alyas Arlene, 45, may live in partner.

 Ayon sa imbestigasyon ng Mauban PNP, ala-1:45 ng hapon ay pumasok ang biktima sa bahay ng suspek upang maningil ng utang.

Maya-maya ay nakarinig ang kanilang mga kapitbahay ng pagtatalo sa bahay ng suspek at makalipas ang ilang minuto ay nakitang lumabas ang biktima na duguan ang dibdib at may nakatatak na patalim.

Inihahanda na ang kasong kinakaharap ng suspek kaugnay sa kanyang ginawang krimen.

Show comments