^

Police Metro

2-anyos babae todas sa pick-up

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang isang dalawang taong gulang na batang babae nang masagasaan ng minamanehong pick-up ng kanilang kapitbahay sa Tondo, Manila, nabatid kahapon.

Matinding pinsala sa ulo at katawan ang ikinasawi ng biktimang si alyas ‘Aiza,’ residente ng Masinop St., Tondo habang nakapiit naman na ang suspek, na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), lumilitaw na Linggo ng hapon nang maganap ang aksidente sa tapat ng bahay ng biktima at suspek.

Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikitang minamaniobra ng suspek ang pick-up nang biglang luma­bas ang paslit, ga­ling sa bahay ng kaniyang lolo at saka tumawid ng kalsada.

Dahil napakaliit umano ng biktima, hindi napansin ng suspek hanggang sa tuluyang mabundol ng pick-up at nang mabuwal ay dito na siya nasagasaan.

Nang malaman naman ng suspek na may nasagasaan siya ay kaagad niyang binuhat ang paslit at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with