MANILA, Philippines — Binigyan ng pardon ng pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) ang nasa 143 na Pilipino.
Inanunsiyo ito ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Martes, Oktubre 15.
Ginawa ni Marcos ang anunsiyo pagkatapos ng isang tawag sa telepono kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed.
“I expressed my gratitude for the kindness extended to them, particularly their generous pardon of 143 Filipinos, which has brought relief to many families,” pahayag ng Pangulo sa isang social media post.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega, ang 143 na Pilipino ay binigyan ng pardon noong Hunyo, sa panahon ng pagdiriwang ng Eid’l Adha.