20 BuCor personnel sinibak, 99 kinastigo

MANILA, Philippines — Umabot na sa 20 kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) ang sinibak sa trabaho habang nasa 99 na iba pa ang kinastigo dahil sa mga paglabag.

Ayon sa BuCor, simula nang maupo si Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sa loob ng dalawang taon, umabot na sa 20 BuCor personnel ang sinibak sa serbisyo, 70 ang nasuspinde, 10 ang pinagmulta, at 19 ang pinagalitan.

Ang nasabing bilang ay pawang nagkasala ng gross neglect of duty, misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service, serious dishonesty, grave misconduct, neglect of duty, at insubordination.

Sinabi ni Catapang na ito ay nagpakita lamang ng kanyang pangako at matatag na paninindigan na linisin ang ahensya ng mga hindi kanais-nais at ita­guyod ang integridad at pananagutan sa loob ng BuCor.

Binalaan din niya ang mga opisyal at empleyado ng BuCor na hindi siya magdadalawang-isip na gumawa ng aksyon laban sa mga lalabag sa mga patakaran at regulasyon sa loob ng organisasyon.

Ito’y magsisilbing ha­limbawa upang mapanatili ang disiplina sa mga kasalukuyang empleyado at hindi pamarisan ng mga mga susunod na em­pleyado.

Show comments