Digong, Bato, Go ipinatatawag ng Quad Comm

MANILA, Philippines — Isang imbitasyon ang pinadala ng Quad Committee ng Kamara de Representantes kina ­dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go at Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa susunod na pagdinig kaugnay ng isyu ng extra judicial killing at reward system sa madugong giyera kontra droga.

“Nagpadala na kami ng imbitasyon kay ex President Duterte, kay Senador Go at Senador Bato,” ayon kay Barbers na sinabing mas makabubuti kung dadalo ang mga ito sa pagdinig,” wika ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Barbers.

Sakaling hindi naman dumalo sa pagdinig si Digong, ayon pa kay Barbers ay irerespeto nila ito at kung dumalo naman ay ikagagalak ito ng Quad Comm.

Samantalang sina Go at Bato, sinabi nito na may ‘interparliamentary courtesy‘ naman kung nais na dumalo sa pagdinig.

Magugunita na sa pagdinig noong Biyernes ng nakalipas na linggo, ibinunyag ni dating Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager ret. Col. Royina Garma na ginamit ­umano ang ‘Davao model‘ sa drug war kung saan may kapalit na reward na mula P 20,000 hanggang P1 milyon ang bawat mapapatay na mga drug personalities.

Show comments