Binatilyo dedo, ina kritikal sa hataw ng martilyo ng kuya

Kinilala ang nasawi na si Emil, habang patuloy na inoobserbahan sa ospital ang kanilang ina na si Elma Momay Cacosia, 53, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jessie Carcosia, kapwa residente ng Zone 6, Block 6, Brgy. Fatima, General Santos City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Namatay ang isang 16-anyos na binatilyo habang kritikal ang ina nito matapos silang martilyuhin sa ulo ng kanilang kuya, naganap kahapon sa General Santos City.

Kinilala ang nasawi na si Emil, habang patuloy na inoobserbahan sa ospital ang kanilang ina na si Elma Momay Cacosia, 53, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jessie Carcosia, kapwa residente ng Zone 6, Block 6, Brgy. Fatima, General Santos City.

Batay sa report ng GenSan-PNP, naganap ang krimen umaga ng linggo sa tahanan ng mag-iina sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ng kapitbahay ng mag-iina ang nasabing pangyayari matapos makarinig ng komosyon at iyakan.

Mabilis namang rumesponde ang mga otoridad sa nasabing lugar at naabutan nila ang suspek na hawak ang martilyo at puro dugo ang kamay nito.

Agad naman dinala sa ospital ang mag-inang Emil at Elma para lapatan ng lunas ang mga tinamong sugat sa ulo subalit idineklara na ring patay ang batang Carcosia.

Nasa kustodiya ­ngayon ng GenSan-PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso.

Show comments