Vendor tinepok ng nakakotse

MANILA, Philippines — Isang vendor ang nasawi matapos barilin ng hindi nakilalang salarin na nakasakay sa kotse sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon, kama­kalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Ariel Sabino Magsino, 44, residente ng Brgy Tumbaga 1, Sariaya.

Batay sa ulat ng Sariaya police, alas-11:55 ng gabi, nakatayo ang biktima sa gilid ng isang burger food stall sa harap ng sentrong pamilihan market sa Maharlika Highway, Barangay Sampaloc 2 nang lapitan ito ng salarin at pagbabarilin.

Nagtamo ito ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan samantalang tumakas ang suspek na sumakay sa isang puting kotseng Honda Civic.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen at sa pagkakakilanlan sa gunman na naka­suot ng itim na jacket at naka-face mask.

Show comments