Nanay pinatay ng drug addict na anak

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak ng isang drug addict na anak ang sariling ina kamakalawa ng hapon sa Barangay Gayola, Kidapawan City, Cotabato.

Ang nasawing biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Mila Lagutin Cinco, 69, Kagawad ng Brgy. Gayola.

Habang ang suspek na anak nito na agad naaresto ng pulisya ay kinilalang si Emillano Lagutin Cinco, 49.

Sa pahayag ng mga kapitbahay sa pulisya na nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang mag-ina sa hindi pa batid na kadahilanan at sa gitna ng pagtatalo ay hinambalos sa ulo ang biktima at nang bumulagta ay paulit-ulit na itong pinagsasaksak.

Tumakas ang suspek at nagtago sa isang rubber plantation na agad natunton at naaresto.

Nabatid na kilala sa kanilang barangay si Cinco na addict sa shabu at nakakalasing na inumin.

Show comments