MANILA, Philippines — Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni National Police Commission (NAPOLCOM) commissioner Edilberto Leonardo, na iniugnay sa pagpatay sa tatlong Chinese drug convicts at isang dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa isang liham kay Interior Secretary Jonvic Remulla, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nagsumite si Leonardo ng kaniyang pagbibitiw sa NAPOLCOM noong Oktubre 4.
Tinanggap ni Marcos ang pagbibitiw, na agad namang may bisa.
Matatandaang ang pagbibitiw ni Leonardo ay ibinunyag ni NAPOLCOM vice chairman Alberto Bernardo sa pagdinig ng House Quad Committee noong Biyernes.