^

Police Metro

DILG ‘di pabor sa EJK, supplier ng illegal drugs, tutukuyin

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Walang puwang sa aking pamamahala ang extra judicial killings (EJK) at tutukuyin ang mga supplier ng illegal drugs sa bansa.”

Ito ang tahasang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at walang EJK na ipatutupad dahil hindi ito ang solusyon sa talamak na bentahan ng illegal drugs sa bansa.

Sa kanyang unang press conference na ginanap sa Camp Crame, sinabi ni Remulla na ang sinumang nasasangkot sa illegal drugs ay dapat na sumailalim sa imbestigasyon at paglilitis ng korte.

Hindi sapat na testimonya lamang ng saksi ang pagbabasehan dahil posibleng sumira ito sa buhay ng isang indibiduwal.

Tiniyak din ni Remulla na walang sacred cows  sa kaso at sinumang mapatunayang  may sala ay dapat na maparusahan at walang special treatment.

Dagdag pa ni ­Remulla, bagama’t maganda ang record sa mga ‘tulak’ tututukan din nila ang mga supplier ng illegal drugs.

EXTRA JUDICIAL KILLINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with