Biyuda, dalaga kinatay sa bahay

Kinilala ang mga nasawi na sina Pascualita Lopena Caunin, biyuda, at Rhealyn San Antonio Roqueno, 18 na kapwa re­sidente ng nasabing lugar.
STAR / File

Inatado ng saksak

MANILA, Philippines — Kapwa duguan at wala ng buhay nang madis­kubre ang katawan ng isang 84-anyos na lola at dalagang kasambahay nito sa loob ng bahay nila sa Brgy. Niugan, Cabuyao City, Laguna.

Kinilala ang mga nasawi na sina Pascualita Lopena Caunin, biyuda, at Rhealyn San Antonio Roqueno, 18 na kapwa re­sidente ng nasabing lugar.

Sa report ng pulisya , alas-6:00 ng umaga nang magtungo sa pulisya ang kapatid ng biktima na si Estelita Caunin at nagreport hinggil sa nakita sa kanilang CCTV footage na may 2 duguang tao na nakahandusay sa loob ng bahay.

Nang rumesponde ang pulisya ay nakita ang duguang bangkay ng mag-amo na  tadtad  ng saksak sa katawan.

Nagsasagawa na ng follow-up ang mga otoridad at nangangalap ng mga kuha ng CCTV na maaring makatulong sa kaso.

Show comments