^

Police Metro

15K miyembro ng creative industry inayudahan sa Bagong Pilipinas Fair

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa P75 milyong cash assistance at iba pang serbisyo ng gob­yerno ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ang naihatid sa mahigit 15,000 miyembro ng creative industry.

“Ang BPSF ay isa sa mga programa ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na may layuning matulungan ang bawat sektor ng ating lipunan, kabilang ang mga nasa creative industry. Ipinapakita nito na hindi natin nakakalimutan ng pamahalaan ang ating mga manggagawa sa larangan ng sining at media,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ang dalawang araw na event na may titulong “Paglinang sa Industriya ng Paglikha” ay sinimulan sa pamamagitan ng isang programa sa PhilSports Arena (ULTRA) sa Pasig City noong Sabado.

Ayon kay House De­puty Secretary General Sofonias Gabonada Jr. ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng tig-P5,000 sa ilalim ng Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang bawat benepisyaryo ay makatatanggap din ng tig-limang kilong bigas.

Sinabi ni Gabonada na ang financial assistance program ay bahagi ng programa ng gobyerno upang matulungan ang mga propesyunal sa iba’t ibang sektor.

Bukod sa cash assistance, kasama sa tulong na ibinigay ng mga ahensya ng gobyerno ay mga skills training program, industry-specific workshops, at mga aplikasyon para sa permit at lisensya.

CREATIVE INDUSTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with