Negosyante, itinumba sa parking lot ng ospital

Malolos City Map
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang 31-anyos na negosyante matapos barilin ng hindi nakilalang motorcycle rider habang paalis na sa parking lot ng isang ospital sa Malolos City, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Christian Burdeos Uchi, residente ng Grand Royale Subdivision, Brgy. Bulihan, Malolos City, Bulacan.

Sa report ng Malolos Police, naganap ang insidente bandang alas-5:00 ng hapon nitong Oktubre 11 sa parking lot ng Isang pribadong ospital sa Brgy. Bulihan.

Ayon sa imbestigasyon, paalis na sana ang biktimang lulan ng Toyota Hilux nang lapitan at barilin ng suspek na lulan ng pulang Honda Click na kanyang agarang ikinamatay.

Dahil dito, agad nagsagawa ng flash alarm, dragnet, at hot pursuit operation ang pulisya para mahuli ang suspek. 

Show comments