^

Police Metro

Godfather ng POGO sa Pinas, naaresto

Ed Amoroso, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hawak na ng mga otoridad ang umano’ y godfather nang sinalakay na POGO hub sa ­Porac Pampanga na Lucky South 99 kasama ang ilang foreign nationals.

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission spokesperson Dr. Wins­ton Casio, alas-8:00 ng gabi nang maaresto si Lyu Dong, alyas Boss Boga, Boss Apao, at Boss Bahaw na naaresto bandang alas-8:00 ng gabi sa loob ng isang subdivision sa Laguna sa bisa ng warrant of arrest at mission order.

Kuwento ni Casio, agad nilang tinungo ang lugar kung saan dumalo ng party si Lyu Dong. Nag-antabay ang mga otoridad at nang lumabas si Lyu Dong kasama ang ilang body guard, agad itong dinamba at pinosasan.

Naniniwala ang PAOCC na ang pagkakadakip kay Lyu Dong ay malaking puntos upang tuluy-tuloy nang mabuwag ang mga illegal POGO hubs sa bansa.

Sinabi ni Casio na mula nang lumabas ang warrant of arrest ni Lyu Dong, agad nilang minanmanan ang galaw nito hanggang makakuha ng tsansa nang dumalo ito sa isang kasiyahan.

Agad na itong dinala sa detention facility ng PAOCC sa Pasay City para sa inquest procedures.

Isasailalim din sa imbestigasyon ang mga kasamang dayuhan ni Lyu Dong ng Bureau of Immigration.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with