^

Police Metro

Bato inutusan akong idawit si De Lima sa drug trade - Kerwin Espinosa

Joy Cantos - Pang-masa
Bato inutusan akong idawit si De Lima sa drug trade - Kerwin Espinosa
Ito ang isiniwalat ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa nang humarap sa pagpapa­tuloy ng pagdinig ng quad comm kaugnay sa extrajudicial killings (EJK) sa war on drugs ng Duterte administration.
Edd Gumban / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na noo’y hepe ng Philippine National Police (PNP) ang nagpadiin umano kay da­ting senadora Leila de Lima at sa negosyanteng si Peter Lim sa illegal drug trade.

Ito ang isiniwalat ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa nang humarap sa pagpapa­tuloy ng pagdinig ng quad comm kaugnay sa extrajudicial killings (EJK) sa war on drugs ng Duterte administration.

Nangyari umano ito noong Nobyembre 2016 nang dumating siya sa bansa mula Abu Dhabi na kung saan siya naaresto dahil sa kasong illegal drugs.

“November 17, ­sinundo ako ng mga kapulisan dito sa atin. Ang sumundo sa akin, si Gene­ral Bato, inakbayan niya ako pa­punta sa sasakyan na Land Cruiser na puti, na bullet-proof. Noong sumakay na ­kaming ­lahat, si General Bato nasa front seat, ako ay nasa likod, pinagitnaan ako ng dalawang mga pulis, at sinabihan niya ako na aminin mo na sangkot ka sa kalakaran sa droga dito sa Pilipinas at idawit ko si Peter Lim at si Leila de Lima para madiin na sila,” salaysay ni Espinosa sa komite.

Binantaan pa umano siya ni Dela Rosa na kapag hindi sumunod sa plano ay mangyayari din sa kanya ang nangyari sa kanyang yumaong amang si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, na pinatay habang nasa loob ng kulungan.

Kung matatandaan ang nakakatandang Espinosa ay kasama sa narcolist ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kung saan nabaril at napatay ito ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa kanyang selda sa Baybay Sub-Provincial Jail noong Nobyembre 5, 2016 matapos ang sinasabing shootout incident.

Matapos ang salaysay, humingi na rin ng paumanhin si Espinosa kay De Lima dahil sa pagdawit sa kanya sa iligal na droga.

Nagbigay rin siya ng mensahe para kay Sen. Bato gayundin kay ­dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sir, Bato dela Rosa sana po magbago na tayo. Iwasan na natin na guma­gawa ng senaryo dahil lamang sa politika na masira ang isang tao na hindi kaalyado natin. Iwasan at huwag na natin gawin pilitin na gumawa ng kuwento para i-pin down ang isang tao.”

“Mr. Duterte, sana po i-validate n’yo po bawat report marinig mo sa inyong paligid. I-validate n’yo maigi para walang taong masaktan lalo na tumakbong kang mayor, huwag kang magpasulsol sa nakapaligid sa’yo.”

Samantala, naging emosyonal si Espinosa nang magbigay ng kanyang mensahe sa kanyang yumaong ama.

“Dy, kung saan ka man naroon huwag mo ­kaming pabayaan. ­Gabayan mo kami para makuha ang hustisya sa inyong pagkamatay. Salamat sa ­lahat.”  

vuukle comment

KERWIN ESPINOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with