^

Police Metro

400 Pinoy sa Lebanon, naghihintay mailikas - DMW

Mer Layson - Pang-masa
400 Pinoy sa Lebanon, naghihintay mailikas - DMW
They aim to challenge the agency to put forward a comprehensive plan to address the urgent appeals for rescue and assistance from Filipinos affected by the war in Lebanon.
Photos by Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Naghihintay ng clearance mula sa Lebanese immigration bago tuluyang mai-repatriate sa Pilipinas ang nasa 400 Pinoy na naiipit sa giyera sa nasabing bansa.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa panayam sa radyo.

Ayon kay Cacdac, nakatakda na rin nilang i-repatriate ang nasa 213 Pinoy, sakay ng commercial flights mula sa Lebanon.

Kasama rito ang mahigit 20 sa kanila na makakauwi na ngayong weekend.

Ipinaliwanag ni Cacdac na kinailangan nilang isakay sa iba’t ibang commercial flights ang mga pauuwiing Pinoy dahil mahirap magpa-book ng maraming pasahero.

Aniya, tatlong magkakahiwalay na flights ang nakuha nila para sa OFWs.

Nagsasagawa rin umano ang mga otoridad ng roving operations sa Beirut at iba pang lugar upang matiyak na ang mga Pinoy na ­apektado ng tensiyon ay may ­maayos na matutuluyan.

Ani Cacdac, kabuuang 178 Pinoy na ang kasalukuyang nananatili sa temporary shelters.

Nilinaw naman ni Cacdac na nananatili pa ring boluntaryo ang repatriation ng mga Pinoy sa Lebanon sa ngayon.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with