^

Police Metro

Sakristan na working student, tinodas ng 2 kawatan

Mer Layson - Pang-masa

Pinagbabaril ng 10 beses…

MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na binata na isang sakristan at college working student ang pinagbabaril ng dalawang kawatan sa tapat ng kanilang bahay bago tinangay ang motorsiklo nito naganap sa Pasig City, nabatid kahapon.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival dahil sa 10 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Allan Vincent Eugenio, residente ng Brgy. Su­milang, Pasig City.

Kaagad rin nadakip ng mga otoridad ang dalawang ‘di pinangalanang suspek, na nagkaka-edad ng 19 at 21 na residente ng lungsod.

Sa ulat ng Pasig City Police, madaling araw ng Lunes ay kasalukuyang ipinaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay nang bigla na lang siyang lapitan ng mga suspek.

Kaagad umanong pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na nagawa pang makatakbo ngunit hinabol at muling pinagbabaril ng mga ito.

Matapos ito ay kaagad nang tinangay ng mga suspek ang motorsiklo na ginagamit ng biktima sa paghahanap-buhay bilang food delivery rider upang matustusan ang pag-aaral at makatulong sa pamilya.

Nadinig ng pamilya ang mga putok at nang alamin ang pinagmulan, nakitang duguang ang  biktima na dinala sa ospital, subalit nalagutan din ng hininga.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay may kahalintulad na ring kaso carnapping at attempted homicide na ang modus ay mang-agaw ng motorsiklo at barilin ang biktima kung manlaban ang mga ito.

“Bakit ganun ‘yung ginawa niyo sa anak ko? Kung intensyon niyong agawin ‘yung motor niya, sana kinuha niyo na lang, bakit pinatay niyo pa?” ayon sa ina ng biktima.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa carnapping law, illegal possession of firearms, at murder.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with